TAPOS na ang maliligayang araw ni Mark Joseph Bonea, 18, ng Panghulo, Malabon City matapos madakip ng mga pulis.
Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga, sinamantala ng suspek ang trapik upang makapanghablot sa mga pasahero ng jeep sa Malabon City Linggo ng umaga, Hunyo 2.
Nakasakay sa jitney ang biktimang si Emmy Fabella-Jimenez, 36 at pagsapit sa MacArthur Highway ay hinablot ng snatcher ang Samsung Galaxy ang biktima.
Tumakbo papatakas ang suspek subalit nagsisigaw na humabol ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga pulis na rumoronda na naging dahilan upang habulin at madakip si Bonea.
Nabawi naman ang cellphone kung saan nabatid na nagiging tambayan ng mga snatcher ang nasabing lugar kung saan nanghahablot ng mga natatrapik na pasahero.