Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

1,500 katao apektado ng HIV/AIDS – DOH

$
0
0

UMAKYAT na sa 1,500 ang bilang ng mga taong natuklasang mayroong sakit na HIV-AIDS infection sa unang apat na buwan pa lamang ng taong 2013, ayon sa Department of Health (DOH) .

Sa latest Philippine HIV and AIDS Registry, na inilabas ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), nabatid na mula Enero hanggang Abril 2013 ay nakapagtala na sila ng kabuuang 1,477 HIV-AIDS cases matapos na makapagtala ng 388 bagong HIV-AIDS cases o 12 kaso ng sakit kada araw, noong Abril 2013 lamang.

Mas mataas umano ang naturang bilang ng 67% kumpara sa naitalang 233 kaso lamang noong Abril 2012.

Nabatid na karamihan sa mga kaso o 95% (368)ay mga lalaki at 61% naman ay nasa 20-29 age group lamang.

Ang 356 sa mga kaso ay nabatid na nahawa ng sakit dahil sa sexual contact o pakikipagtalik, habang 32 ay nakuha sa pakikigamit ng karayom sa pag-i-inject ng illegal drugs.

Asymptomatic cases ang 363 sa mga kaso at 25 naman ay full blown AIDS na.

Pinakamaraming naitalang kaso ng sakit ay sa National Capital Region (NCR), Region 4A, Region 7, Region 11, at Region 3.

Ayon sa DOH, simula nang paigtingin nila ang monitoring sa sakit na HIV-AIDS infection noong taong 1984 ay umabot na ang bilang nito sa 13,179 kaso hanggang Abril ng taong ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>