NAPATAY ng government soldiers ang isang New People’s Army guerrilla habang dalawa naman ang nasilo sa Compostela Valley province nitong nakaraang Biyernes ng hapon, ayon sa ulat kaninang umaga ng military official.
Sinabi ni Col. Buenaventura Pascual, Army’s 1003rd Brigade commander, na plano ng communist insurgents ang pagkakasa ng pagatake sa VIPs na dadalo sa isang oath-taking ng mga kandidato na nanalo sa nakaraang eleksyon sa Laak town.
Ipinaalam aniya sa kanila ng mga residente sa lugar ang presensya ng mga rebelde na gumantong sa unang engkuwentro sa may 20 NPA insurgents pasado 8:40 a.m (Biyernes) sa Sito Kogon sa Longanapan village. Tumagal ang bakbakan ng 20 minuto, at maya-maya ay napaigtad ang mga rebelled.
Tatlo pang engkuwentro ang sumiklab sa kalapit na barangay, walong oras matapos sundan ng mga sudalo ang mga tumakas na rebelde.
Kinilala ni Pascual ang mga napatay na mga rebelled na sina Emat Andoy, alias Ian, residente ng Veruela town sa Agusan del Norte. Natiklo naman sina Rick Galang, alias Jun Jun; at Arnel Roble, alias Dindo; kapwa taga Veruela town.
Kabilang si Pascual sa mga dumalo sa okasyon kasama si Gov. Arturo Uy at Vice Gov. Manuel “Way Kurat” Zamora.