PATAY ang isang electrician nang aksidenteng makoryente sa J. Catolico Avenue sa General Santos.
Kinilala ang biktima na si Francis Calantas, 19, ng Koronadal City.
Nangyari ang insidente habang nagwi-wiring ang biktima sa isang establisyemento sa naturang lugar.
Sa imbestigasyon lumalabas na nahawakan umano ng biktima ang live wire kaya ito ay nakoryente.
Dinala kaagad sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.
Sinasabing ang contractor ng naturang establisyemento ang gagastos sa pagpapalibing sa biktima.