PATAY ang 8-anyos na bata nang matabunan ng mga bato at buhangin mula sa isang bulldozer sa Davao City.
Kinilala ang biktima na si Ran Petilia, ng Purok 8, Barangay Communal, sa Buhangin, nasabing lalawigan.
Sa imbestigasyon, alas- 3:00 ng hapon habang naglalaro ang bata sa nakatambak na mga bato at buhangin nang hindi nakita ng operator ng bulldozer at matabunan ang bata.
Idineklarang dead on arrival sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).