KULONG ang isang bading nang maaktuhang nakikipagtalik sa kapwa niya lalaki kahit iginiit pa nitong ginahasa siya.
Kinilala ang suspek na si alyas Karen, 24, ng Apopong habang ang lalaki ay hindi naaresto nang kumaripas ng takbo.
Naganap ang insidente alas-3:25 ng madaling-araw nang mag-roving siya sa likurang bahagi ng city hall sakay ng motorsiklo.
Nagtataka ito dahil parang may kakaibang nangyayari sa tabi ng malaking puno kaya pinatamaan ng liwag ng headlight ng motorsiklo.
Ang lalaki ay mabilis na tumakbo kaagad habang nasukol naman si “Karen.”
Sa naging pahayag ni alyas Karen, ginahasa umano siya kaya nangyari ang naturang insidente.