SOBRANG lungkot ang nararamdaman ng isang mag-asawa makaraang namatay at napugutan pa ng ulo ang kanilang panganay sana na anak habang iniluluwal sa isang ospital sa Davao City.
Ayon sa mag-asawang ayaw magpabanggit ng pangalan, magsasampa sila ng kaso sa hindi muna pinangalanang ospital dahil sa kapabayaan.
Paliwanag naman ng pamunuan ng ospital na bukod sa suhi at premature ang bata ay patay na rin ito habang nasa loob pa ng sinapupunan ng kanyang ina.