KINUMPIRMA ng Palasyo ng Malacanang na matagal pang panahon ang gugugulin bago ganap na maipatupad at makamit ang reporma sa hudikatura sa bansa.
Ang makupad na sistema ay makalipas ang isang taong pagkakapatalsik kay Ex-Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, nasa working process pa ang pagsusulong ng reporma para sa mga pagbabago sa hudikatura.
Dagdag ni Valte, ang tanging may impact pa lamang matapos ma-impeach si Corona ay ang istrikong paghahain ng statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng mga opisyal at tauhan ng gobyerno.