NASALISIHAN ng mga Taiwanese ang raiding team ng National Bureau of Investigation sa isinagawang search operation sa Nipa Beach Resort room 118 ng naturang resort na inupahan umano ng mga Taiwanese.
Sa ngayon, patuloy pa ring pinaghahanap ng awtoridad ang mga nakatakas na Taiwanese.
Kinumpirma ni Senior Inspector Don Acacio, chief of police ng Currimao, Ilocos Norte, na nagsagawa
ng search operation ang mga kasapi ng NBI Cybercrime Division sa isang resort sa Currimao, Ilocos
Norte na inupahan ng ilang Taiwanese.
Isinagawa ang raid dahil sa hinihinalang cyber crime activity ng mga Taiwanese sa Nipa Beach Resort.
Gayunman, nasalisihan ng mga Taiwanese ang mga raiding team.
Nakuha sa inuupahang silid ang dalawang laptop computer, isang universal flash drive at dalawang
mobile phones.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy kung saan nagtatago ang mga Taiwanese.