INIREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa mga eskuwelahan na magsagawa ng “canteen makeover” kungsaan ipagbabawal ang pagbebenta ng hindi masustansyang pagkain o inumin.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, maraming mga kantin sa mga paaralan na nagbebenta ng junk foods at softdrikns kaya dapat gumawa ng paraan ang mga magulang at ang paaralan upang ang kakainin ng kanilang mga anak ay masusustansya.
Bagamat naiintidihan ng DOH na nagtitipid ang mga magulang kaya pinapabaunan na lamang nila ang kanilang mga anak ng hindi masustansyang ‘baon”.
Gayunman, responsibilidad pa rin, aniya, ng mga paaralan at kanilang kantin na magprepara ng masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas.
Ang rekomendasyon ng DOH ay upang panatilihing maging malusog at masigla ang mga estudyante.
Nais din ng DOH na magkaroon ng tubig at sabon sa mga kantin upang sa gayon ay makapaghugas ng mgs ksmsy ang mga estudyante bago sila kumain.
Binigyan diin ni Tayag na dapat protektado sa kontaminasyon ang pagkain, ito man ay baon, binili sa street vendor o sa kantin upang makaiwas sa sakit na diarrhea.