MALAKI ang paniwala ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na mabilis na ngayong uusad ang kasong Maguindanao massacre na 58 katao ang namatay, kasama na ang mahigit 30 media practitioners, matapos maghain kahapon ng “not guilty plea” ang 78 akusado sa kaso.
Ayon kay Mangudadatu, matagal na nilang hinihintay na mabasahan ng sakdal ang mga suspek, lalo na ang mag-aamang Andal Ampatuan Sr., Andal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan.
Sinabi ni Mangudadatu na may direksyon na ang bawat ebidensyang kanilang inihahain sa korte at mas magiging sistimatiko na ang pagtatakda ng mga pagdinig para sa pangunahing suspek at ibang indibidwal na nadamay lamang sa kaso.
Para naman sa pamilya mga biktima, malaking hakbang para sa katarungan ang pagkakasama ng kanilang kaanak sa bilang ng mga deklaradong namatay sa insidente.