SUGATAN at nilalapatan na ng lunas ngayon ang limang sundalo nang tamaan ng kidlat sa Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat kahapon umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Capt. Andog, Sgt Asis, Sgt Naranjo, Cpl Cabatuan at Pfc Indap, pawang mga tauhan ng 16th Field Antillery Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Col. Dickson Hermoso, ang insidente ay naganap dakong alas-10:30 ng umaga nasa loob ng kampo nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagdagundong ng kidlat.
Ang kidlat ay tumama sa two-way radio antenna ng kampo hanggang sa tinamaan din ang mga biktima.
Nasunog ang iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ng mga sundalo na agad namang naisugod sa Sultan Kudarat Provincial Hospital para lapatan ng lunas.