MATAPOS ang sunod-sunod na price hike sa presyo ng produktong petrolyo, magpapatupad naman ng price rollback ang mga grupo ng magtitinapay sa bansa.
Ayon sa Philippine Baking Industry Group Inc.(PhilBaking), bababa ng P0.50 sa presyo ng bawat loaf ng kanilang Pinoy Tasty pagsapit ng June 11.
Nangangahulugan na bababa sa presyong P37.00 ang na Pinoy Tasty.
Sinabi ng PhilBaking President Walter Co, na ang gagawin nilang pagtapyas sa presyo ng Pinoy Tasty ay magsisilbing social effort o tulong sa mga estudyante at magulang sa muling pagbubukas ng klase.