PATAY ang isang parak na holdaper matapos magpasagasa sa national highway sa Opol, Misamis Oriental sa ulat ng pulisya.
Lumalabas na pinili ng pulis na si PO1 Wilven Catalan na magpakamatay na lang sa pamamagitan ng pagpapasagasa nang madakip ng mga kapwa pulis matapos holdapin ang isang lending firm.
Sa imbestigasyon, si Catalan ang nagplano ng panghoholdap at tumangay sa P150,000 cash money.
Hawak ng mga puli si Catalan nang bigla na lang itinulak ang kanyang mga security escort at magpasagasa sa isang paparating na pick-up truck kanyang agad na ikinamatay.
Hinala ng pulisya na dala ng kahihiyan kaya nagpakamatay na lang ang holdaper na pulis na sangkot din sa robbery hold-up sa isang gasoline station.