Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 senglot nagkapikunan, 1 todas, 1 sugatan

$
0
0

IMBES makasayaw ng magandang dilag, isang lalaki ang sinaksak ng kanyang kainuman matapos niya pukpukin sa ulo ng bote ng alak na baon nila sa kapistahan sa Candelario, Quezon nitong Sabado ng madaling-araw.

Dead on arrival sa St. Peter Paul Medical Center dahil sa saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Enrico Brinosa, 33.

Samantalang isinugod din sa nasabing ospital dahil sa malalim na sugat sa kanang bahagi ng ulo ang suspek na si Armando Amat,  30.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa Barangay Labanban Sur, na idinaraos ang kanilang kapistahan.

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang nagaganap ang sayawan sa lugar, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at suspek na parehong lango sa alak.

Sa gitna ng pagtatalo,  hinataw ni Brinosa ang suspek ng isang bote ng alak sa ulo pero nang makatayo ay sinaksak naman nito ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nang malapatan ng lunas ang suspek, dinala na ito sa QPPO detention cell para sa kakukulang disposisyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>