TODAS ang riding-in-tandem makaraang makasagupa ng mga ito ang ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang umaga.
Nabatid na nagsasagawa ng follow-up operations ang mga pulis laban sa mga armadong kalalakihan na responsable sa pagnanakaw ng isang single motorcyle sa may Barangay Santol at pang-hoholdap sa isang babae nang maispatan ng mga ito ang pitong armadong kalalakihan.
Nakipagsagupaan ang mga suspek sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.
Hindi pa batid ng QCPD ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi habang nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang follow-up operations ng pulisya laban sa lima pang suspek.