UMAKYAT na sa 16 katao ang namamatay habang 24 ang sugatan sa bakbakan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Tagas sa Patikul, Sulu.
kinumpirma ni WESMINCOM spokesperson Col. Rodrigo Gregorio na mula sa bilang na pito, siyam na ang patay sa panig ng ASG.
Nagsimula ang bakbakan kahapon ng alas-7:00 ng umaga.
Samantala, magbibigay din ng military honors mamayang gabi ang WESMINCOM para sa mga namatay na tauhan sa Edwin Andrews Airbase.
Nakatakdang dalhin muna sa Maynila ang mga labi bago iuwi sa kani-kanilang probinsya.