PINOSASAN ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang immigration lawyer dahil sa pangingikil ng pera sa isang dayuhan sa Cebu.
Ikinasa ng NBI ang entrapment operation laban sa suspect na si Atty. Serafin Araula, legal officer ng Bureau Of Immigration (BI ) sa Central Visayas nang dumulog sa kanilang tanggapan ang Amerikano na si James Mercier at inireklamo si Araula ng pangingikil ng pera.
Base sa imbestigasyon, nag-aapplay ng extension visa si Mercier pero imbes tulungan ay kinotongan ni Araula.
Pinangunahan naman ni Atty. Renan Oliva, supervising agent ng NBI ang nasabing entrapment operation at matapos tanggapin ni Araula ang hindi malamang halaga ng marked money ay dinamba na ito ng mga nakapaligid na NBI agents.
Sinampahan na ng kasong robbery extortion, violation of anti-graft and corrupt practices act at grave misconduct si Araula sa Ombudsman Visayas.