Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Rep. Enrile kay PNoy: Kasambahay bill pirmahan na

$
0
0

NANAWAGAN si Cagayan Rep. (1st District) Juan “Jack” C. Ponce Enrile Jr. kay Pangulong Benigno Aquino III na bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga kasambahay sa pagsasabatas ng tinatawag na “Kasambahay bill.”

Ginawa ni Enrile ang panawagan makaraang lagdaan ng Pangulo bilang ganap nang batas ang  dalawang kontrobersyal na sin tax law at RH law.

Aniya, lalong maipakikita ng Pangulo ang kanyang malasakit sa mahihirap kung lalagdaan niya bilang batas ang kasambahay bill na aprubado na ng dalawang kapulungan at naghihintay na lang ng kanyang lagda.

Nakapaloob sa bicameral report na isinumite sa Malacañang ang pagtatakda ng minimum wage na P2,500 kada buwan sa Metro Manila, P2,000 sa mga nasa chartered cities at first class municipalities habang P1,500 minimum na sahod naman kada buwan sa iba pang munisipalidad.

Dapat ding maglaan ang mga employer sa kanilang kasambahay ng pagbabayad ng kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-Ibig bukod pa sa buwanang sweldo at pagbibigay ng basic needs tulad ng pagkain, board and lodging at medical assistance.

Nabatid na sa kanyang unang termino  noong ika-11 Kongreso, si Enrile ang unang naghain ng naturang bill na naglalayong iangat ang antas ng “household helpers” sa pamamagitan ng pagsusulong ng naturang panukala na makatutulong sa mahigit tatlong milyong kasambahay.

”In the light of his recent legislative triumphs with the sin tax law and the RH law, I think this is the proper time for the President to sign the Kasambahay bill into law for the benefit of the millions of household workers in the country,” dagdag pa ni Enrile, na isa sa nangungunang pambato ng United Nationalist Alliance sa pagka-senador.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>