PATAY ang isang lalaki matapos masunog ang isang kinukumpuning bahay sa General Lim Street, Bgy. Sta. Cruz, Quezon City kaninang hapon.
Ayon sa isang nagwe-welding, nasa ikatlong palapag sila ng bahay ng isang Emelito Torres at may kinukumpuni nang tumalsik ang baga ng welding sa ikalawang palapag na pinagsimulan ng sunog, ikinamatay ng kanyang kasamahan na kinilalang si Eduardo Raule, 50.
Nabatid na namatay sa suffocation ang biktima.