PATAY ang dalawang empleyado ng National Irrigation Administration (NIA) nang itumba ng hindi nakilalang mga lalaki sa Barangay Gerita, Cabagan, Isabela sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Bagani at Joel Baguno, kapwa ng Caniogan Norte Sto.Tomas, Isabela.
Nabatid na mag-iigib sana ang mga biktima nang sundan sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo saka pinagbabaril.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala ng M16 armalite rifle.
Inaalam na ang motibo sa krimen.