HINATULAN ng anim na taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan ang pitong dating opisyal na Bureau of Fire Protection (BFP) at pribadong indibidwal dahil sa iregular na pagbili ng piyesa ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P6 milyon nitong noong 1992.
Sa 67-pahinang desisyon ng Sandiganbayan, sina Director Mario Tanchangco, F/Sr. Supt. Aristeo Argosino, F/Chief Hilario Cachero, F/Sr. Supt. Leonardo Sabellina, Jr., F/Supt. Romeo Camacho, F/Sr.Insp. Veronica Cataluna, SPO1 Emmanuel Macabuhay at private individual Analyn Cuesta-Rubio na napatunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan dahil sa paglabag sa Sec. 3 Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at hinatulang mabilanggo ng anim na taon at isang buwan hanggang 10 taon at hindi na maaaring pumasok pa sa gobyerno.
Batay sa impormasyon, sinampahan ng kaso ng respondents ang mga naturang opisyal dahil sa paglalabas ng P 6,504,802 dahil sa pagbili ng mga piyesa ng mga sasakyan at ibinayad ang naturang halaga sa ROWA Enterprises at Lyn Cues Enterprises subalit walang mga piyesa ng mga sasakyan ang nai-deliver na naging masamang imahe sa gobyerno.