MAKABUBUTING idaan na lamang sa arbitration o idulog sa United Nations ang usapin ng Pilipinas at Taiwan.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe maging ang ongoing parallel investigation na isinasagawa ng Taiwan at Pilipinas tungkol sa namatay na Taiwanese fisherman sa Balintang Channel sa Batanes ay makabubuting maidulog na rin sa kinauukulan.
Payo ng kongresista kay Pangulong Aquino na makipag-usap sa Taiwan na kumuha ng panel of arbitrators o third nation na kayang magresolba sa nasabing gusot at mag-imbestiga sa ugat ng insidente.
Kung isusumite aniya ito sa arbitration ay masusuring mabuti kung may obligasyon o liability ang alin man sa Pilipinas o Taiwan.
Maiiwasan din aniya ang paglalim ng tension kung ang magsasagawa ng pagsisiyasat ay ang arbitral tribunal at hindi ang dalawang bansa dahil mapagdududahan ang resulta ng imbestigasyon na gagawin.