Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tagisan ng memorya sa National Open

$
0
0

TAKTAKAN ng memorya ang masisilayan sa 1st National Open Memory Sport Championship sa Sabado na gaganapin sa 6th floor Alphaland Southgate Mall, EDSA cor Pasong Tamo sa Makati City.

Ang one-day tournament na inorganisa ng Philippine Mind Sports Association, Inc. ay ipatutupad ng World Memory Sports Council (WMSC) standard events kung saan ay kasama ang Names and Faces (5 minutes), Binary Numbers (5 minutes), Random Numbers (15 minutes), Abstract Images (15 minutes), Speed Numbers (5 minutes), Historic / Future Dates (5 minutes), Playing Cards (10 minutes), Random Words (5 minutes), Spoken Numbers (100 seconds & 300 seconds) at Speed Cards.

“Memory sports in the Philippines is still in the infancy stage. To sustain it’s growth, the Philippine Mind Sports Association, Inc. decided to hold a national open competition for the first time,” pahayag ni Roberto Racasa, isa sa unang dalawang Pinoy na lumahok sa World Memory Championships sa 2010.

Nakilala ang Pilipinas bilang isa sa mga matitikas sa nasabing sport nang mag-third overall sa 2012 World Memory Championship sa likuran ng Germany at Sweden.

Ang nasabing event na kapartner ang First Pacific Leadership Academy at Marketing Management Class R15 ng Ateneo Graduate School of Business ay nahati sa tatlong dibisyon ang Kids (12 years old below), Juniors (13-17 years old) at Adult (18 above)

Samantala, nagpahayag na ng pagsali sina Johanna Sorillo, Erica Salonga, Kevin Aquino, Kian Aquino, Angel Anastacio, Alyssa Zapata, Vincent Nasiad, Rhojani Nasiad, Ydda Habab, Tricia Ramiro, Benjamin Fontanilla, at BB Pilipinas Finalist Abbygale Monderin.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>