Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

60-30-10 voting pattern, ‘di indikasyon ng dayaan

$
0
0

HINDI umano indikasyon ng dayaan o iregularidad sa May 13 midterm elections ang pagkakabunyag ng ’60-30-10’ voting pattern sa katatapos na halalan.

Ito ang iginiit ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal at idinagdag na dapat pa munang magpakita ng katibayan na nagkaroon nga ng dayaan sa eleksiyon.

“In various decisions of the Supreme Court and House electoral tribunal, pattern voting is not indication of fraud or irregularities. The alleged ‘60-30-10’ pattern of voting in favor of administration senatorial bets is not sufficient ground nor legal or factual basis to question  the  results of the  2013 elections,” ani Macalintal, sa isang kalatas.

“Precinct count optical scan (PCOS) critics should come up with more convincing evidence like inaccurate PCOS count instead of mere speculative statistical data. If the result is 60-30-10 consistent in all areas then with more reason that the results were accurate. It would have been different if the counts were so inconsistent or radically different in various areas,” ayon pa sa election lawyer.

Nauna rito, sa kanyang Facebook status noong Mayo 19, sinabi ni Ateneo professor Lex Muga na napansin niya ang ‘interesting pattern’ na 60-30-10 sa resulta ng halalan sa May 13 senatorial elections, kung saan ang 60% ng mga boto ay palaging napupunta sa mga kandidato ng Team PNoy, 30% naman sa Senate slate ng United Nationalist Alliance (UNA) at 10 percent sa mga independent candidates.

Gayunman, hindi naman sinabi ni Muga na nagkaroon nga ng dayaan sa eleksyon.

“How about adding the votes of the 33 senatorial candidates? Then add all the votes of the 12 Team PNoy candidates? Also, the 9 UNA candidates? And the 12 other candidates? Then find the percentages of each of the 3 blocks based on the total votes for senators. Do these to each of the 16 official Comelec canvass reports and we have a smooth and interesting pattern,” ani Muga.

“May pattern. Interesting pattern. Sabi ko nga na parang 60-30-10. Ang tanong ko, bakit ‘pag kunin mo ‘yung mga actual votes sa first canvass, second canvass, kuha sila mula sa isang probinsiya lang bakit 60-30-10 pa rin? Hanggang 16. ‘Di ba manggagaling naman sa iba-ibang probinsiya ang COCs (certificates of canvass) eh? So baka ‘di dapat ganun. Dapat merong variation,” aniya pa.

Una na rin namang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na trending lamang ang naganap bagamat tiniyak na paiimbestigahan niya ang naturang 60-30-10 pattern ng election results.

“Pinapaaral ko sa aming mga tao kung totoo ‘yan, although, initially parang may ganun naging pattern.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>