Update: MAKALIPAS ang ilang oras ay binawian na rin ng buhay ang bank manager ng Bank of the Philippine Island (BPI) Taft.
Si Rosemarie Gatan ,43, ay namatay habang isinasalba ng mga doktor sa Medical Center Manila.
Binaril ito ng riding in tandem nang sabayan ang kanyang SUV kaninang umaga.
Nagtamo ito ng tama ng bala sa kaliwang leeg na tumagos sa kanan.
Bagamat sugatan na ang biktima ay nagawa pa nitong makapagmaneho ng halos 200 metro bago bumangga sa isang poste ng ilaw sa tapat ng National Bureau of Investigastion (NBI).
Ayon kay Atty. Andres Mendoza, ninong ni Gatan sa kasal, wala naman silang alam na kaaway ng biktima .
Hinala nila na ang sasakyan ng biktima ang target ng mga suspek.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)