PINAYUHAN ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga imbestigador mula Taiwan na itikom muna ang bibig at hintayin na lamang na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kaugnay sa engkwentro na naganap nuong May 9 kung saan namatay ang isang mangingisdang taiwanese.
Ang pahayag ni De Lima ay bunsod ng akusasyon ng mga taiwanese investigators na nasa Pilipinas,na sadyang pinatay ng mga nagpapatrolyang Phil Coastguard ang naturang mangingisda.
Pinayuhan ng kalihim ang lahat na mas makabubuti na iwasan ang mga speculasyon at premature na pagpapahayag ng mga umano ay resulta ng findings kahit sa mga tinatawag na mapagkakatiwalaan na source.
Hanggat hindi anya natatapos ng NBI ang imbestigasyon nito, ang lahat ay pinayuhan, lalo na ang media, na iwasan na magbigay ng anumang pahayag o komento upang hindi. Lumala ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
Tiniyak ni de Lima sa Taiwanese authorities na isinasagawa ng “NBI ang imbestigasyon sa patas, masusi at mabilis na paraan upang makapagpalabas ng tama at credible na conclusuon.
“the NBI is aware of its mandate to look into the incident, and is “perfectly cognizant of the seriousness and crucialness of its task,” ani de Lima.