Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Substandards electrical products, kinumpiska

$
0
0

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Regional Police Investigation Operating Unit ng National Capital Region Police Office (RPIOU-NCRPO) ang bulto-bultong mahihinang uri ng electrical products makaraang salakayin ang apat na bodegang pag aari ng negosyanteng Tsinoy noong araw ng Biyernes sa Binondo, Maynila.

Iprinisinta kahapon ni NCRPO chief Director Leonardo Espina ang mga nakumpiskang mga mahihinag klase ng produkto na pang-elektrisidad sa headquarters nito sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ayon kay Espina, nakakuha sila ng mga reklamo at impormasyon hinggil sa mga depektibo at mababang uri ng electrical products na ibinebenta ng mga kilalang suppliers kaya’t kaagad na nagsagawa ng test buy ang mga tauhan ni Senior Insp. Ruselito Sabado, ang hepe ng RPIOU.

Matapos magpositibo ang test buy, kaagad silang nag-apply ng search warrant na inilabas naman ni Judge Zaldy Docena ng Regional Trial Court Branch 170 ng Malabon City.

Magkakasabay na sinalakay ng mga awtoridad ang unit 101 G-7 Sons Bldg. 64 Pereira St., Muelle de Binondo,  3rd floor Birtch Tree Plaza 8250 Muelle de Binondo, Unit 108 Li Seng Giap at Unit 606 ng 517 Camba St. na pawang nasa distrito ng Binondo at pag-aari ng isang Jonathan Hon, kasosyo ang 12-iba pa.

Sinabi ni Espina na bagama’t nabigo ang mga tauhan ng RPIOU na madakip ang mga nagmamay-ari ng naturang mga bodega, sasampahan pa rin ang mga ito ng kasong paglabag sa Consumers Protection Act sa piskalya ng Maynila.

Nagpasalamat din si Espina sa malaking tulong ng publiko sa pagbibigay ng mga impormasyon sa awtoridad kaugnay sa mga lumalabag sa batas partikular na sa mga produktong hindi pumasa sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Pangunahin aniya nilang layunin na mabigyan ng seguridad at kaligtasan ang mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase  kaya’t tumutulong sila sa kampanya ng Bureau of Fire Protection sa pamamagitan ng paghimok sa publiko at mga nagpapaupa na iwasang bumili ng mahinang klase ng mga produkto at hindi pumapasa sa panuntunan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>