PINALAWAK ng Social Security System (SSS) ang kampanya upang mapalawak ang programa para sa mga self-employed at mga “hard-to-reach” informal sector.
Ito ay makaraang lumagda sa isang kasunduan ang SSS sa pagitan ng women entrepreneurs ng Ahon sa Hirap, Inc. (ASHI) na nakabase sa southern Luzon at Visayas.
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. na ang pension fund’s new partnership sa ASHI, isang microfinance institution na umaasista sa mga self-employed women mula sa mahihirap na pamilya ay may malakking tulong para mapagaan pagkakaloob ng benepisyo sa mga miembro ng Ashi katulad ng pautang.
“The SSS shares ASHI’s goal of helping alleviate poverty through financial assistance. As covered SSS members, women workers from ASHI can save for their retirement and avail themselves of SSS benefits during times of sickness, maternity, disability, old age and death,” dagdag ni de Quiros.
“We will continue to pursue more tie-ups with organized groups so that we can bring SSS services within reach of more workers, especially those from the informal sector. We are heartened by the interest showed by various groups across the country to partner with SSS for the social security coverage of their members,” ayon pa kay de Quiros.