PINANINIWALAANG tropa ng mga hired killers ang lumikida sa isang miyembro ng Laguna Police Regional Office na inambus sa Quezon City nitong nakaraang Huwebes ng gabi.
Sinabi ni P02 Jogene Hernandez ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na ang pagpaslang sa biktimang si P02 Jayson Aragon, residente ng Kaunlaran St., Barangay Commonwealth ay may koneksyon sa pagkakapatay sa isang hired killer sa komunidad na nakabarilan ng biktima at ng mga tauhan ng Batasan Hills police station mahigit isang taon na ang nakalilipas.
Bukod pa rito, naulinigan din ng mga pamilya ni Aragon na may isang misteryosong lalaking nagtatanong sa bahay ng kanilang mahal sa buhay bago ito napatay.
Maalalang dakong 10:45 ng Huwebes ng gabi, pinagbabaril ng armadong motor riding assailants ang biktima habang bumibilli ito sa isang tindahan sa Kamagong Street.
Hindi na ito umabot ng buhay sa Fairview General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t bang parte ng katawan.
Sugatan din sa insidente sina Raymart Cadsawan, 22, at isang Rolando Herado nang pagbabarilin din nang tangkain nitong harangin ang patatakas na mga suspect.