HINIMOK ng isang Obispo ang lahat ng Pinoy na magkaisa na ngayong tapos na ang eleksiyon sa bansa.
Ayon kay Digos Bishop Guillermo Afable, normal lamang sa bansa na pagkatapos ng halalan ay ang paghahain pa ng election protests.
Gayunman, mas mainam at mas mahalaga aniya na magkaisa na ngayon ang mga magkakatunggaling pulitika upang mabigyang-pansin naman ang kapakanan ng bayan.
Ikinalulungkot rin naman ng Obispo na sa katatapos na eleksiyon ay napatunayan na malaki ang problema ng bayan sa kahirapan at moralidad ng mga kandidato at mga botante.