Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mayamang trader, pinaslang ng akyat bahay

$
0
0

TINUTUGIS  na ng mga awtoridad ang pitong miyembro ng kilabot  na  akyat bahay gang na pumaslang sa businessman  matapos looban sa Quezon City kaninang umaga.

Inatasan noon  din ni QCPD Director Chief Supt. Richard Albano  ang  hepe ng Galas Police Station 11 na si P/Supt.  Norberto Babagay na agad  hulihin ang  mga  kawatan na pumaslang sa  trader  na si Edward Choy, 57, ng 39 Dona Hemady St., New Manila, Brgy. Mariana, QC.

Si Choy  ay idineklarang dead on–arrival sa St. Lukes  Medical  Center  dahil sa mga tama ng bala  sa  mukha  at katawan.

Ayon sa ulat ng Quezon City police, alas-6:00  ng umaga nang pasukin  ng pitong miyembro ng  akyat bahay  ang  bahay ni Choy  sa New Manila, Brgy. Mariana.

Sa  pahayag  ng misis ng biktima sa pulisya, nasa  kusina  siya nang marinig  ang pakikipagtalo sa mga  suspek  ng kanyang mister habang nasa sala.

Ilang saglit pa ay nakarinig  siya ng mga putok ng baril  at nakitang nakahandusay na si Choy.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>