IBINUNYAG ni Justice Secretary Leila De Lima na nagpapagawa ng pasaporte si dating Police Superintendent Cezar Mancao.
Sinabi ng kalihim na batay sa natanggap niyang intelligence report, may isang abogado ang nag-aayos ng pasaporte para kay Mancao at sa 2 iba pa.
Inalerto na anya nila ang Bureau of Immigration hinggil sa posibleng pag-alis ng bansa ni Mancao na ngayon ay nagsusuot na ng wig.
Kasabay nito, muling nagbabala si De Lima laban sa mga tumutulong kay Mancao na sila ay makakasuhan ng obstruction of justice.