Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagpapadala kay FVR sa Taiwan paplantsahin pa

$
0
0

KAILANGAN  munang pag-aralan ng Malakanyang kung dapat ngang ipadala si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Taiwan upang kausapin ang gobyerno ng Taiwan kaugnay sa pagkakapatay sa isang Taiwanese fisherman ng Philippine Coast Guard (PCG).

Bago pa maipadala ang dating lider ay kailangan munang matiyak na hindi masagasaan o malabag ng Pilipinas ang sinasabing One China Policy.

“As to the suggestion to send the former President to Taiwan, that is something that we will have to discuss with the President because that has not — at least at those times that I was there for discussions, that was not brought up,” ani  Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sinabi rin ni Usec. Valte na hindi nagbigay ng timeline si Justice Secretary de Lima sa pagpapalabas ng report at video na magpapatunay na ni-ram ng bangka ni Hung Shih-cheng, Taiwanese fisherman na napatay ng Philippine Coast Guard sa karagatan ng Batanes noong nakaraang linggo.

Samantala, tiniyak ng Malakanyang na walang natanggap na ulat ang Department of Labor and Employment (DoLE) na pangmamaltrato ng mga Taiwanese national sa OFWs sa nasabing bansa.

Subalit hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na may mga sumbong na may OFWs ang dumaranas ng pagmamaltrato sa kanilang mga among Taiwanese.

Kahit lumalala naman ang tension sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan dahil sa usapin ay walang balak ang pamahalaan na ilikas ang OFWs na kasalukuyan ngayong nasa Taiwan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>