NATAGPUANG patay ang 13-anyos na dalagita makaraang sakalin at gahasain ng 19-anyos na kapitbahay kaninang alas-8:00 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Vanesa Britanico Pabalenas, estudyante, ng Purok Daisy Kialma, Brgy. Poblacion, Norala, South Cotabato habang kinilala ang kapitbahay na suspek na si Nory Tahuma Etsopas, laborer.
Ayonsa ulat ni Norala chief of police C/Insp George Parcon, galing sa disco ang biktima nang bigla na lamang sinakal ng suspek at sapilitang hinila sa taniman ng palay na may layong 50 metro mula sa bahay nito at doon ginahasa.
Kasalukuyang nasa kamay na ng awtoridad ang suspek habang sumasailalim sa forensic medical exam ang bangkay ng biktima.