TODAS ang isang ginang matapos mag-collapse nang awatin ang kanyang manugang dahil inaaway ang asawa na anak ng una sa Valenzuela City Huwebes ng hapon, Mayo 16.
Dead on arrival sa Calalang Hospital si Alesea Adriano, 51 F. Bautista st., Marulas ng lungsod.
Batay sa ulat, alas-5 ng hapon, napasugod ang biktima sa bahay ng kanyang anak na babae malapit sa kanilang bahay dahil inaaway ng asawa.
Habang umaawat ay biglang hinimatay ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa CH kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay ng ginang.