Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

14 Taiwan investigation team, dumating na sa Pinas

$
0
0

DUMATING sa bansa ngayon ang 14 na Taiwan investigation team para magsagawa ng sariling imbestigasyon.

Ang delagasyon ay pinangunahan ni Chen Wen-chi, director ng International and Cross Strait Legal Affairs, Ministry of Justice; at Perry Pei-Huang Shen, director general ng Department of Treaty and Legal Affairs ng Ministry of Foreign Affairs.

Ayon sa Taiwan Economic and Cultural Office (TECO), ang grupo na kinabibilangan din ng miyembro ng pulisya at maritime department officials ay nakaipag-coordinate na sa Philippine government. Dala ng mga ito ang ilang dokumento at record ng interviews ng crew ng fishing trawl.

Nabatid pa sa TECO na inaasahan ng delegasyon na makikiisa ang mga kinauukulan sa kanilang gagawing sariling imbestigasyon.

Noong Miyerkules, dalawang opisyal ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang ipinadala sa Taiwan bilang kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino 3rd para personal na ihatid ang kapatawaran sa pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese.

Subali’t pagdating sa Taipei, tumangging makiharap si Foreign Minister David Lin kay Amadeo Perez Jr., ang MECO chairman, sa puntong hindi ito isang otorisadong kinatawan ng Manila.

Ang matandang Taiwanese crew ay namatay noong May 9 makaraang pagbabarilin ng Philippine Coast Guard ang fishing vessel na sinasabing nasa teritoryo ng Pilipinas para pahintuin ang makina makaraang tangkain na banggain ang coast guard boat.

Nang tanungin ang isang TECO official kung madadamay ba sa sanction ng Taiwan government ang 80,000 Filipinos na nagtatrabaho sa isla, ang sagot niya ay “We are not allowed to have any comment on the situation right now. We have to always focus or follow the news and press release issued by the Ministry of Foreign Affairs or the Taiwanese government.  I’m afraid I cannot have any comment.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>