Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P5-M jackpot sa 6/42, naiuwi ng isang magsasaka

$
0
0

NAIUWI na ng isang 59-anyos na magsasaka ang mahigit P5 milyong jackpot prize na solo nitong napanalunan sa 6/42 Lotto makaraang masungkit nito ang tamang kombinasyon ng mga numero na binola noong Abril 25 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Personal na iniabot ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II ang tsekeng may kabuuang halagang P5,960,842.20 sa instant milyonaryo na taga-Nueva Vizcaya na katumbas ng kombinasyong 32-26-05-16-20-02 na nagmula sa petsa ng kapanganakan ng mga miyembro ng kanyang pamilya at kahulugan ng kanyang napanaginipang isang katerbang isda.

Ilalaan ng nagwagi ang kanyang napanalunan sa pagbili nito ng lupang sasakahin at edukasyon ng kanyang mga apo sa nag-iisa niyang anak. Sa pahayag niya kay Rojas, sinabi nito na sa labis na pagnanais niyang manalo, maging ang nalalabi niyang salapi na pambili na sana ng makakain ay itinataya muna niya sa lotto.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>