NAGTAKDA na ang Commission on Elections (Comelec) ng special elections sa isang clustered precinct sa North Cotabato.
Batay sa Comelec en banc Resolution No. 9703, ang halalan sa clustered precinct No. 1 ng Barangay Poblacion, Banisilan, North Cotabato, ay nakatakdang idaos sa Mayo 18.
Nabatid na hindi nakapagsagawa ng halalan sa nasabing clustered precinct matapos na ang maipadalang Official Ballot sa kanila ay para sa Barangay San Roque, Iriga City, Camarines Sur.
Kasabay nito, inatasan rin ng poll body ang Election Officer roon na ipaalam sa lahat ng kandidato, lokal na kinatawan ng political parties at accredited citizen’s arm ang gagawing halalan.
Nagpalabas rin ng direktiba ang Comelec na nag-aatas sa Board of Election Inspectors (BEI) na i-retrieve ang Official Ballots mula sa Treasurer’s Office.
Inaatasan rin ang Election Officer ng Basinilan, North Cotabato na i-retrieve mula sa Treasurer’s Office ang Official Ballot na para sana sa Barangay San Roque, Iriga City.