PORMAL nang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Enhanced Basic Education Act of 2012 o K to 12 Basic Education Program kahapon.
Sakop ng K to 12 Program ang Kindergarten at 12 taon ng basic education (anim na taon ng primary education, apat na taon ng Junior High School at 2 taon ng Senior High School) na naglalayong magbigay ng sapat na panahon para sa mga mag-aaral sa larangan ng “mastery of concept and skills, develop lifelong learners, at mapaghandaang mabuti ng mga graduates ang kanilang tertiary education, middle-level skills development, employment and entrepreneurship.
Sa naging talumpat ng Pangulong Aquino ay sinabi nito na tungluin ng estado na ibigay ang mga pangangailangan ng sambayanang Filipino.
“It’s the duty of the State to provide for the needs and ensure fair and equal opportunities for all Filipinos, especially the poor and thus the implementation of this education program will strengthen the basic education requirements of students which in turn, will bring them closer to the fulfillment of their dreams and ambitions,” anito.
Dahil, aniya, sa tiwala ng sambayanan ay matagumpay na nakamit ang adhikaing magkaroon ng isang sistemang pang-edukasyon na tunay na pumapanday sa kakayahan ng mga kabataan, at naglalapit sa mga ito tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
“Malinaw ang batayang prinsipyo ng batas na ito: karapatan ng bawat Pilipinong mamuhay nang marangal; tungkulin naman ng estadong siguruhing may patas na oportunidad ang ating mamamayan, lalo na ang pinakamahihirap nating kababayan. At isang matatag na haligi ng kanilang pag-ahon ang pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon. Sa pagsasabatas ng K to 12, hindi lang tayo nagdaragdag ng dalawang taon para sa higit pang pagsasanay ng ating mga mag-aaral; tinitiyak din nating talagang nabibigyang-lakas ang susunod na henerasyon na makiambag sa pagpapalago ng ating ekonomiya at lipunan,” ani Pangulong Aquino.
Sinaksihan naman nina Senators Franklin Drilon, Edgardo Angara, Ralph Recto, Speaker of the House
Feliciano Belmonte, Jr. at Representatives Neptali Gonzales II, Sandy Ocampo and Juan Edgardo “Sonny” Angara ang nasabing paglagda sa nasabing batas.