PAG-larga ng bola ay hindi na pinaporma ng Miami Heat ang Chicago Bulls upang makaalagwa sa 3-1 karta sa nagaganap ng 2012-13 National Basketball Association, (NBA) seond round playoffs sa Eastern Conference kaninang umaga.
Kumaldag ng 27 puntos, walong assists at pitong rebounds si four-time MVP LeBron James para kalusin ng Heat ang Bulls, 88-65 sa semifinals best-of-seven series.
”They’re in a tough situation,” wika ni James. ”They’ve had some injuries and illnesses and whatever’s going on. They don’t have their full roster, but that’s not for us to worry about. They beat a very good Brooklyn team (in the first round) without their full roster.”
Si Chris Bosh lang ang naka-double digits score bukod kay basketball superstar James.
May kinanang 14 puntos, anim na rebounds at apat na blocks si Bosh para sa defending champion Heat.
“We worked for it,” ani Bosh. “I never like to say things are easy. We had to bring a certain amount of intensity to the game. Sometimes it’s the most difficult part to raise your intensity.”
Isang panalo na lang ang Heat para tapusin ang Bulls kung saan ay sa Miami gagawin ang Game 5.
Hindi naman naging maganda ang opensa ng Bulls dahil wala sa kanila ang umabot sa 15 puntos.
“We didn’t play very well tonight,” ani Bulls center Joakim Noah. “When you’re playing against the champs, you’ve got to play a perfect game so you have a chance to beat them. It’s disappointing, but there’s still basketball left. It’s not the end. It’s do or die.”
Bumira si Carlos Boozer ng 14 puntos habang 12 at 11 pts. ang sinalansan nina Jimmy Butler at Richard Hamilton para sa Bulls ayon sa pagkakasunod.
Si Noah ay tumapos lang ng anim na puntos at siyam na rebounds.
Samantala, pinaluhod ng Memphis Grizzlies ang Oklahoma City Thunder, 103-97 sa overtime game.