IKINATUWA ni Pangulong Benigno Aquino III ang naging takbo ng halalan kahapon dahil sa walang malaking election-related violence sa bansa.
“Halos wala tayong narinig kasing election-related violence masyado, ano, in this area of concern, areas of responsibility—although last night nagkaroon daw yata sa Isabela,” ayon kay Pangulong Aquino.
Sinabi nito na parang “proactive” ang lahat ng security services ng pamahalaan dahil agad na naagapan ang lumitaw na maliit na insidente habang nagaganap ang eleksyon.
“Both the PNP and the AFP. Merong mga incidence of violence …with the Director General of PNP na ano lahat ng mga operations nila and make sure that they have done everything possible to ensure na peaceful ang atin pong elections,” anito sabay sabing “So far, I’ll be going back home. We have a meeting at two o’clock parang to give me an update on what’s happening everywhere in the country with regards to elections at saka ‘yung ating mga foreign affairs at this point in time.”