Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Usec Valte hindi nakaboto

$
0
0

WALA ang pangalan ni Deputy Presidential spokesperson  Abigail Valte  sa listahan ng registered voters ng Commission on Elections (Comelec) kaya’ hindi ito nakaboto  kahapon.

Iyon din ang dahilan kung bakit nawalan ng isang boto sana ang Team PNoy  dahil sa hindi pagkakaboto ni Usec. Valte.

Noong 2010  aniya ay nakaboto naman siya dahil kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng registered voters.

Sa  Twitter account ni Usec. Valte ay sinabi nito na hindi lumabas ang kanyang lagda sa 2010 list  ng Comelec kaya’t hindi siya nakaboto.

“Came from the Makati Comelec office.record says I didn’t vote in 2 consecutive elections but I voted in 2010. How can that be?! Comelec official showed me the list from 2010 & it didn’t have my thumb print or signature. Impossible that I didn’t sign it then,” ayon kay Usec. Valte.

Aniya, ginamit naman niya ang Comelec election application para lang makaboto subalit maling precinct number ang naibigay sa kanya.

“I went to the makati office, I looked for all. I saw my precinct I couldn’t find my name,” ayon kay Valte.

Aniya, inalis siya ng Comelec sa voters’ list nito dahil hindi siya nagpartisipa sa two consecutive elections. Ang isa aniya ay noong 2010 habang ang isa naman ay noong  Barangay elections.

Ang ipinagkata naman ni Usec. Valte ay nakaboto siya noong 2010 kaya’t labis niyang ipinagtaka na tama ang precinct number niya subalit wala naman ang kanyang pangalan sa registered voter’s list ng komisyon.

“Wala. What i can do? [Comelec] needs to reactivate,” ani Usec. Valte.
Ibinuking ni Usec.Valte na bukod sa kanya ay may tao pa sa nasabing presinto ang may katulad niyang problema.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>