TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III na naremedyuhan ang problema sa pagputok ng isang transformer sa Batangas habang mayroon namang naka-standby na technicians sa mga nagka-problemang Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.
Sa inisyal na assessment ng Chief Executive ay binigyang diin nito na mas maayos ngayon ang sistema sa botohan kumpara noong 2010 na unang ginamit ang automated election na inabot ng apat na oras bago makaboto kahit pa mayroon ng PCOS machines.
Sa kanyang pagboto sa precinct 175-A sa Central Azucarera de Tarlac Elem. School sa Tarlac City ay inabot lamang ng 10 minuto ang pagboto ng Pangulong Aquino.
At ang mga binoto ng Pangulong Aquino para sa senador ay mula kay Senador Sonny Angara hanggang kay Cynthia Villar.
Kinumpleto ng Punong Ehekutibo ang pagboto sa kanyang Team PNoy.