ITO ang iminungkahi nina Western Samar Rep. at LP Secretary-General Mel Senen Sarmiento at Iloilo City Rep. Jerry Trenas.
Mahalaga ayon sa mga mambabatas ang pagdaraos ng
“national people’s summit for unity and development” upang magkasundo-sundo ang lahat ng mga nanalong kandidato matapos ang marahas, siraan, at sakitan sa panahon ng kampanya.
“The first step is for the national leadership to call for a national people’s summit that would serve as the medium for national reconciliation,” ayon kay Sarmiento.
Posible aniya na ang pagkakawatak-watak ay magdulot ng masamang epekto sa ekonomiya ng bansa na ngayon ay patuloy aniya ang pagsigla.
Mahalagang daluhan ito ng mga lider ng bawat partidong lumahok sa eleksyon, business leaders, religious groups, at mga pribadong sector.
Giit naman ni Trenas na sa pamamagitan lamang ng dayalogo mareresolba ang anumang alitan na idin ulot ng nagdaang eleksyon.
“I am confident that with national unity, reconciliation and national interest at stake, nobody will say no to an invitation to attend such a crucial moment in history,” sinabi ni Trenas.
Naniniwala ang dalawang kongresista na magkakaisa ang mga nag-alitang grupo sa national national people’s summit.