NAGKAROON ng pagpupulong ang mga foreign observer sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa halalan bukas, Lunes.
Ayon kay Commssion on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, foreign observer ay mula Russia, Cambodia at South Korea.
Layon, aniya, ng nasabing pagpupulong na atiyakin sa mga dayuhan na handa na ang Comelec sa ikalawang nationwide automated elections at magiging maayos ang botohan.
Tiniyak din ng poll chief sa mga foreign observers na walang dapat ikabahala sa mga gagamiting precinct count optical scan (PCOS) machines, dahil nasolusyunan na ang mga isyu at problema.
Bukas, ang mga dayuhan ay mag-oobserba sa Aurullo Elementary School sa Maynila at sa iba pang paaralan.
Bukod dito, tutungo rin ang mga foreign observers sa national canvassing center sa Philippine International Convention Center (PICC).