EPEKTIBO na ngayong araw ng Linggo ang liquor ban kaugnay sa eleksyong 2013 bukas.
Sinimulan ang pagpapatupad ng liquor ban kaninang alas 12:01 ng madaling araw, Mayo 12, at tatagal ito hanggang alas 11:59 ng gabi bukas, Lunes, Mayo 13.
Ang dalawang araw na liquor ban mula sa original na 5 araw ngunit ibinaba lamang ito sa dalawang araw kung saan magsisimula sana noong mayo 9 ngunit nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema.
Ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng alak mula Mayo 12 hanggang Mayo 13.
Gayunman, maari naman umanong uminom ng alak sa loob ng pribadong lugar.
Pinapayagan naman ang mga hotel na makalibre sa liquor ban bastat kumuha lamanbg sila ng exemption.
Maari din makainom ng alak ang mga dayuhang turista sa mga establisyimentong pinahihintulutan ng komisyon.