Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Alaska diretso sa Finals

$
0
0

PINAG-bakasyon na ng Alaska Milk Aces ang San Mig Coffee Mixers matapos ang 83-78 panalo ng una kagabi sa naganap na PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Araneta Coliseum.

Hinabol ng Aces ang 14 puntos na lamang ng defending champion Mixers sa halftime, 34-48 upang ilista ang 3-1 sa kanilang best-of-seven series.

Inalat sa opensa si Alaska import Rob Dozier matapos ang sablay sa walong tira subalit isang mahalagang tres ang pinakawalan nito para sa 80-76 abante may 2:02 minuto na lang sa fourth canto

Nag-aabang ngayon ang Aces kung sino ang makakalaban sa Finals kung saan ay naghaharap sa isang semis match ang Talk ‘N Text Tropang Texters at Barangay Ginebra Gin Kings.

Si Cyrus Baguio ang nag top scorer para sa Alaska matapos tumikada ng 16 points at tatlong rebounds habang nag-ambag din sina JV Casio at rookie Calvin Abueva ng 15 at 14 pts. Ayon sa pagkakasunod.

Magsasalpukan sa do-or-die game ang Tropang Texters at Gin Kings ngayong 6:15 ng gabi sa nasabing lugar.

Hindi naglaro sa Mixers ang kanilang star player na si James Yap dahil sa kangyang injury.

Kinapos ang kinamada ni Mixer reigning best import Denzel Bowles na 23 puntos, 22 rebounds at tatlong assists.

Sina Joe Devance, Mark Barroca at PJ Simon ang naka double-digit scores sa local ng San Mig.
Kumana ng 18 pts. si Devance habang may 14 at 10 markers sina Barroca at Simon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>