TODAS ang isang miyembro ng rebeldeng New People’s Army at limang sundalo naman ang nasugatan sa naganap na engkwentro ng dalawang grupo sa Barangay Lawit, Gingoog City kaninang umaga.
Nabatid na nagkaroon ng engkuwentro ang mga NPA at 3rd Marine Battalion Landing Team na ikinasawi ng isang rebelde habang limang sundalo ang sugatan na hindi pa pinangalanan.
Naganap ang engkwentro habang gumagawa ng security combat operation ang tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar.
Agad na isinugod sa ospital sa Gingoog ang mga sugatang sundalo.
Nagpapatuloy ang operasyon ng awtoridad laban sa mga armadong grupo lalo na at malapit ang eleksyon.