MAARI na ring mabasa ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines ang X or check mark sa mga balota na gagamitin sa halalan sa Lunes, Mayo 13,2013.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, kanila nang binabaan ng 20 porsyento ang threshold ng mga PCOS machines.
Nangangahulugan lamang umano na maari pa ring mabilang ang isang boto kahit “X” o linya na nakalagay sa oval.
Pinayuhan naman ni Brillantes ang mga botante na fully shaded ang loob ng oval upang hindi masayang ang mga boto.